Paano Gumawa ng Letche Plan (Prosidyural)

         Ang una sa paggawa ng masarap na leche flan ay ang paggawa ng caramel liyanera. Kailangan mong tunawin ang asukal sa loob ng liyanera gamit ang napakahinang apoy. Bantayan ito ng mabuti hanggang sa maging kulay brown ang asukal upang hindi ito pumait. Ipaikot nang dahan-dahan ang liyanera para kumalat ang asukal sa buong liyanera bago ito itabi. Hayaan muna itong lumamig at tumigas ang caramel habang inihahanda mo naman ang mixture para sa custard.


        Para sa custard, paghaluin ang mga dilaw ng itlog, condensed milk, at evaporated milk sa isang lalagyan. Maglagay rin ng kaunting vanilla extract upang bumango ang iyong gagawing dessert. Mahalagang haluin ang mga sangkao nang dahan-dahan lamang upang maiwasan ang pagbuo-buo ng maraming bula. Pagkatapos ay dumaan ito sa isang strainer para masiguradong walang buo-buong itlog na sasama. Isalin ang misture sa mga liyanerang may matigas na caramel at takpan ng aluminum foil.

 

        Sa huli ng pagluluto sa pamamagitan ng pag-steam sa loob ng 30 minuto hanggang 40 to 50 minuto. Siguraduhing mahina lang ang apoy ng steamer upang makinis at walang butas-butas ang loob ng flan. Kapag luto na ito, hayaan muna itong lumamig bago ilagay sa loob ng ref para tumigas ang letche plan. Mas masarap i serve ang leche flan kapag ito ay malamig na dahil mas malalasahan ang tamis nito. Baligtarin ang liyanera sa isang plato at handa na itong ipakain ng buong pamilya o mga kaibigan.

Comments